Pages

Sunday, January 8, 2012

Ang Pista ng Itim Na Nazareno!


Nagising ako mga 7 am ng umaga dahil nagrereklamo nanaman ang amo ko, sabi niya "grrrggrrrggghhgrrggrrrggrrhhrhrh". Kung itratranslate ko yan eto ang ibig sabihin " Hoy malaking bulas ka umaga na, punuin mo na ako! kundi gigilingin ko pati intestines mo at liver at gallblader". Amo ko ang stomach ko. Ayun pinagbigyan ko na siya, bumangon ako at binuksan muna ang T.V (normal routine na yon sa buhay ko, yun din kasi ang oras ko eh) Kunyari Detective Conan mga 8- 8:30 na, Hunter X mga 9 na siguro, pero pag showtime na baka minumura na ako ng boss ko dahil inabot na ako ng tanghalian.

Ayun nga binuksan ko ang T.v habang kumakain ng Cereals (Sosyal ako eh), Aba Pista pala ngayon ng Itim na  Nazareno. Ang 3 bagay lang na pumapasok sa isip ko pag naririnig ko ito ay :

                                             1. Magulo 

                                       2. Walang Pasok


                      3. Bonggang Trapik na naman sa Quiapo


Yep you heard it right yan lang ang pumapasok sa utak ko tuwing araw na yan. Kasi ang pista ng Nazareno lagi namaan talgang dapat sinecelebrate wlang particular na araw na may nagbabalyahan, nagtataponan ng mga tuwalya, nagkakasakitan may nakawan, abusong mga tindera ng mga goods na r/t sa pista. Alam ko para sa iba panata to, nirerespeto ko sila. Ang sa opinion ko lang bakit ka pupunta dun, na ang hangad eh makapunas sa Itim na nazareno at makapagdasal habang nakakaapak , nakakasiko, nangiisa, nababalyahan ang iba. Parang the means defeats the purpose ika nga.

Hindi naman sa hindi ako relihiyosong tao. Inaamin ko relihiyoso ako, nagdadasal, nagsisimba, namamanata. Mabait akong tao. (Sabi ng mga magulang ko) Pero hindi ako katulad ng iba. Kasi para sa akin okay na na kinikilala kong diyos ang panginoon ko, hindi ko na kelangan pang makigulo at (accidentally makapanakit ng ibang tao) minsan natatawa nga ako eh. Para kasi sakin minsan weird an mga bagay bagay o ako lang talaga ang weird) Ewan ko basta) Alam mo kung bakit?

Para sa iba eto nakikita nila:



Para sa akin:


Tsaka pwedeng pista rin ito ng mga:






Kayo nalang bahala maginterpret. Baka tirahin pa ako. Opinion ko lang naman ito eh. Tsaka Blog ko to eh hahahaha!! :)

Basta ang alam ko mas bilib pa ako sa mga itong mamanata! Hands Down!




Tuesday, January 3, 2012

‎"Ang new year ay parang birthday, na nagsasabing hindi araw araw ay bumabata ka. Hindi mapapalitan ng cake, kandila, regalo o Medianoche ang kaisipang sa bawat isang taon na nadadagdag sa buhay mo ay pagurang ka na ng pagurang. Enjoy life. Make Mistakes.Make some adventures. Experience everything. Eat. Love and Pray. Pero at the end of the day dapat siguraduhin mong kung gaano ka na katanda ay dapat ganun ka na rin magisip at kumilos,at sa bawat taong nakalipas dapat marami ka na ring bagay na nabago." - Ako

Monday, January 2, 2012

REAL FRIENDS

"It’s good thing to be surrounded by people who you consider FRIENDS. Friends who vowed to tell you when you’re being such a bitch (Jonas). Friends who will tell you your flaws (Neng). Friends who are interested with what you think and how you feel, so that with these, they learn things about life (Kulas). Friends who prove to you that you do not have to talk or be with each other every single day, because true friendship is not measured by these parameter (Kenneth). Friends who, after everything, stick with you and still accept you (Ian).


Who wouldn’t feel so blessed having these kind of people in her life?


I know, this time, I selected my friends well."

-Clarissa Kristen Secerio aka MISPERPEK


At dahil nag english siya sa kaniyang post. Mag eEnglish din ako nakakahiya kasi ke Ms. Editor eh hahaha.

It's a good thing for every person to be included in things like this. You get to feel that you really have FRIENDS. I mean it's not that i don't have friends but when you get included in things like this, it's just awesome. Friends can be either be bad or good, naughty or nice, pigs or rats, cool or just ass. But Real friends are the ones whom you can call late at night and say you fucked up, and they will laugh at you. Will eat your food without even asking your permission. Say shitty things in front of you. Will be there right beside you when the world sees you differently. Many of your friends will want to ride with you in a Porsche, but only real friends takes the bus with you when the Porsche breaks down.


Some people come into our lives and quickly go. Some stay for awhile and leave footprints on our hearts. And we are never, ever the same. Thanks for being a friend! Clarissa Secerio, Nheri Zaldarriaga, Kenneth Lorenzo, Nicholas Lopez, Ian Villanueva.

MAGULO ang UTAK ko.! (Parang politika sa Pilipinas) :)

Yep you heard it right! Magulo ang utak ko; Sing gulo pa ng pulitika sa Pilipinas, Sing gulo pa sa RamGen story, Sing Gulo pa sa pagpapakulong ng kasalukuyang administrasyon sa pangulo ng nakaraang administrasyon, Singgulo pa sa biglang litaw na sakit ni GMA, Sing gulo pa  at ayun pa bahala ka nang magisip pa.. BAsta MAguLO.. MAgULo!!!!

Sa dami kasi ng ideas sa utak ko ang hirap isipin kung ano ipraprayoritays. Sa pagprayoritays kailangan daw may focus, walang distractions, kumbaga 1 action per idea. Gawin muna kung ano ang dapat gawin. Kaso ang hirap eh. Eto ba namang mga ito ang pinag kasya mo sa Average brain width na 140 mm, Average brain length na 167 mm, Average brain height na 93 mm at may average number of neurons na 100 billion at may average weight na 1336 grams.

1. Nursing Subjects
2. Ang classmate kong PAsikat
3. Love life na walang wala
4. Mga Gala
5. Pera
6. Pagkain
7. Ang Crush kong hindi alam na nageexsist ako
8. My other Crushes
9. Ang Pagtulong sa Kapwa
10. Pressure ng Board Exam
11. Ang feeling ko na bumababa performance ko sa Class
12. Ang mga precious collection ko ng BOOKs
13. The Desire to buy more BOOKs
14. Iba pang magagandang babae....
15.Mga gusto kong gawin pero hindi ko kaya
16. Diet
17.Gym
18. Pagiging Metrosexual
19. Pagpapantasya na isa akong high class hero
20. Pagpapantasya na isa akong magaling na gitarista, dancer, singer, freerunner, painter, hacker
21. Pagbuo ng istorya sa ulo ko habang klase, ako daw ang hero sinasagip lagi ang crush ko
22. Crush ko ulit
23.Pagiisip ng kung ano pang pwedeng ipintas sa paligid
24. Pagiging Intelektwal "Kuno"
25. GGSS
26. Ano kaya ako paglaki?
27. Sino kaya mapapangasawa ko?
28. Kung ano maipagmamalaki ko sa iba
29. Pagkatapos ng Graduation
30. Future Job. Nurse nga ba?
.................
etc. Kung ililista ko lahat ng nasa utak ko ngayon, baka mahawa kayo sa pagiging Magulo ko. SaMagulo kong Buhok, Magulo kong gamit, Magulo kong Pagkatao.. Ewan hahha gulo no.? Minsan sinasabi ko sa sarili kong may Bipolar Disorder ako, kasi minsan ang saya saya ko then konting iglap galit na ako o kaya naiinis. Parang "MERON" o kaya me "SALTIK", "SAPI", "SABOG", "SIRA". hahaha

Pero wala akong magagawa eh ganun ako, At dahil New Year na, siguro mas gugulo pa ang utak ko!!





Tuesday, December 6, 2011

12:00 realization

"Minsan sa buhay, kung minamalas ka talaga, lagi kang nadadapa, pero sa pagkakadapa mo nakadepende sayo kung mananatili kang nakadapa at magmukhang talunan o tumayo ngumiti at sabihing "Hindi na mauulit". :)
Minsan sa buhay, kung minamalas ka talaga, lagi kang nadadapa, pero sa pagkakadapa mo nakadepende sayo kung mananatili kang nakadapa at magmukhang talunan o tumayo ngumiti at sabihing "Hindi na mauulit".

Friday, October 14, 2011

Pagkain para sa utak

Kanina pagkatapos ng mahabang araw na pinalala pa ng walang jong mga Exam na yan...pauwi na ako papuntang LRT. Nung nasa LRT na ako, bago ako umupo me nakita akong nanay na buhat ang epileptic niyang anak.

Guess what umiral na naman ang kawalanghiyaan ng mga tao. Me patingintingin, me kunyari me nililingon, me talagang sugapa na sa view at talagang tinitigan na face to face. Nagiinit ang ulo ko. Nakaaka hyperventilate. Nakaka hyperpyrexia. Ilalabas ko na sana ang tinatago kong Chakra upang waskain yung mga taong yun ng biglang tumayo ang katabi niya at inoffer ang upuan niya sa bata. Nagsubside ang galit ko at napaisip nalang ako sa senaryong nakikita ko.

Sa halos 20 na taon ko nang namamalagi sa mundong ito, araw araw ko na lang na pinangarap ang "SANA" at "MAS" . Sana mas Guwapo ako, Sana mas Mayaman ako, Sana mas payat ako, Sana mas matalino ako, sana mas magaling ako sa ganito sa ganiyan, Sana mas ek ek, blah blah blah. Hindi ko napansin o narealize na maswerto na pala ako, hindi ko narealize na MAS ok ang nararanasan ko kesa sa kaniya na maaring siguro ang iniisip rin ay SANA normal din ako gaya niya.

Aminin natin lahat ng tao ang hinahangad eh ang "MAS" pero naisip na ba natin na iba-iba ang anyo ng "MAS". Bakit minsan ang Prince na ubod ng yaman at sobrang makapangyarihan ginustong maging Pauper kahit isang beses lang, bakit si Fiona na ubod ng ganda, ginustong maging Ogre? Bakit si Steve Jobs na dapat  isa sa pinaka mataas ang sweldo eh ginusto lang kumita ng 1$? Hindi porke't mas MAS maraming pera, eh MAS masaya na? Eto pa, Albert Gubay pinamahagi ang 1.1billion $ worth ng kaniyang business empire sa isang charitable trust. Warren Buffett ipinamahagi lahat ng kaniyang fortune sa maga charitable institutions.  Sa mundong ito hindi lahat ng "MAS" sa mundong ito eh talagang "MAS". May mga "MAS" na hindi materyal na bagay, pero marami ang naghahangad, katulad ng pamilya, pagmamahal, kaibigan, kasayahan, kalayaan, katahimikan, kapayapaan. Kung sa tutuusin habang binabasa mo ito dito sa internet kung sino ka man, dapat nararamdaman mo na sa dami ng taong pinagkaitan makahawak ng computer, swerte ka.