Pages

Friday, September 9, 2011



Poverty + Intelligence = Instant Pera

http://www.abs-cbnnews.com/video/nation/metro-manila/09/09/11/%E2%80%98bukas-taxi%E2%80%99-boys-strike-again


Kumakain ako ng Pancit Canton kagabi dahil wala akong makain nang narinig ko ang balitang ito. Nung una sabi ko whoosh tagal na yan, luma na yan. Pero dahil laging UNLI ang media, pinaulit ulit eto, ang pinagkaibahan nga lang eh yung nagrereport.

Sabi sa balita bumalik daw ang modus ng mga bukas taxi gang, na ang pakay eh (alangan) gumawa ng hindi kanais nais. Habang pinapanuod ko ang video, namangha ako putik parang mga spiderman ang mga LOKO. Yung Tipong di mo alam kung ano dumali sayo sa sobrang bilis. Parang mga trained FreeRunners. At eto pa sabi sa video mga bata ang sangkot.

Aminin na natin, madalas ang mga taong hindi nakapagaral at tambay lang, ang mga taong may sense at maraming alam sa buhay. Magtanong ka sa isang tambay ng question about life, economics, principles, philosophy. Baka matameme ka sa sagot ng mga yan.

Naawa naman ako sa mga taxi drivers at a mga pasahero, putik imaginin mo nlang buong araw ka nagtrabaho tas yung perang kikitain mo pang rurugby lang ng mga yun? Ok! sabihin na nating hindi nila pang rurugby yun at pambibili ng ulam, ikaw ba pag pinaghirapan mong lutuin ang isang putahe tas ginawang Appetizer lang ni Muning eh di ka Maghuhurumentado?

Ang point ko dahil sa kahirapan patalino ng patalino na ang mga Criminal ngayon, na imbis na mga typical na Maskuladong Hoodlum na me balbas ang pinapagawa ng mga ganito, eh mga bata. Kasi nagaral ng POLSCI ang mga ungas at nalaman nila na hindi pwedeng ikulong ang mga bata, kundi deretso lang sila sa DSWD na halos siguro 40% eh mga batang nahuli. Kung makikita lang tayo ni Rizal ngayon, magmumura yun sa salitang Filipino, Espanyol, Niponggo, Aleman at kung anu anu pang lengwaheng alam niya at sasa bihin niya; "&#!%! anong nangyari sa sinabi ko dati na ang kabataan ang pagasa ng bayan? Tama naman si parekoy eh, sila ang pagasa ng bayan, pero ginago lang sila ng kasalukuyan kung bakit sila nagkakaganiyan. Ngunit di naman natin masisisi ang mga yan, mahirap ang buhay eh, kaso ganun talaga walang magagawa kapit sa patalim.

Kung hindi natin rereviewhin ang batas natin, baka dumating na ang araw na tayo na ang nagaadapt sa kasamaan. Dapat siguro pairalin ulit natin ang Kamay na Bakal ng mga Authoridad. Kanina nga me nakita pa kong Enforcer na binaril ng isang ewan ko kung ano, mukang Konyo itsura eh.

Diba nawawala na rin ng respeto ang mga Bardagol na yan, kaya krimen dito, krimen diyan! Pasensiya na nagiinit tuloy dugo ko. Kasi hanggang hindi natin napapakita kung sino ang tunay na boss o kung sino tunay na me kapangyarihan eh lalo lang tayong gagaguhin ng mga yan. At the end of the day sinong talo? Ang mamamayan, pulis, militar, gobyerno-Damay Damay na yan!!



No comments:

Post a Comment