Kanina pagkatapos ng mahabang araw na pinalala pa ng walang jong mga Exam na yan...pauwi na ako papuntang LRT. Nung nasa LRT na ako, bago ako umupo me nakita akong nanay na buhat ang epileptic niyang anak.
Guess what umiral na naman ang kawalanghiyaan ng mga tao. Me patingintingin, me kunyari me nililingon, me talagang sugapa na sa view at talagang tinitigan na face to face. Nagiinit ang ulo ko. Nakaaka hyperventilate. Nakaka hyperpyrexia. Ilalabas ko na sana ang tinatago kong Chakra upang waskain yung mga taong yun ng biglang tumayo ang katabi niya at inoffer ang upuan niya sa bata. Nagsubside ang galit ko at napaisip nalang ako sa senaryong nakikita ko.
Sa halos 20 na taon ko nang namamalagi sa mundong ito, araw araw ko na lang na pinangarap ang "SANA" at "MAS" . Sana mas Guwapo ako, Sana mas Mayaman ako, Sana mas payat ako, Sana mas matalino ako, sana mas magaling ako sa ganito sa ganiyan, Sana mas ek ek, blah blah blah. Hindi ko napansin o narealize na maswerto na pala ako, hindi ko narealize na MAS ok ang nararanasan ko kesa sa kaniya na maaring siguro ang iniisip rin ay SANA normal din ako gaya niya.
Aminin natin lahat ng tao ang hinahangad eh ang "MAS" pero naisip na ba natin na iba-iba ang anyo ng "MAS". Bakit minsan ang Prince na ubod ng yaman at sobrang makapangyarihan ginustong maging Pauper kahit isang beses lang, bakit si Fiona na ubod ng ganda, ginustong maging Ogre? Bakit si Steve Jobs na dapat isa sa pinaka mataas ang sweldo eh ginusto lang kumita ng 1$? Hindi porke't mas MAS maraming pera, eh MAS masaya na? Eto pa, Albert Gubay pinamahagi ang 1.1billion $ worth ng kaniyang business empire sa isang charitable trust. Warren Buffett ipinamahagi lahat ng kaniyang fortune sa maga charitable institutions. Sa mundong ito hindi lahat ng "MAS" sa mundong ito eh talagang "MAS". May mga "MAS" na hindi materyal na bagay, pero marami ang naghahangad, katulad ng pamilya, pagmamahal, kaibigan, kasayahan, kalayaan, katahimikan, kapayapaan. Kung sa tutuusin habang binabasa mo ito dito sa internet kung sino ka man, dapat nararamdaman mo na sa dami ng taong pinagkaitan makahawak ng computer, swerte ka.
No comments:
Post a Comment