Pages

Wednesday, September 21, 2011

Mag Tagalog kasi!!!

Ano ba ang pambanang wika natin? Diba Fiipino? Pangalawa lang ang English?

1939 nang hirangin ni Manuel L.  Quezon ang Tagalog bilang wikang pambansa, pagkatapos nun the rest is history, Filipino/Tagalog na ang Wikang Pambansa ng mga Pilipino.

Bakit ko ito sinasabi? siguro baka naiinis na naman ako. Kakatapos kasi ng defense namin kanina, dapat daw English tsaka me grade mismo ang pagiging fluent dito. Ayun na nga Nagsimula sa Introduction........Review of related Literatures..........Research Methodology..... Fastforward sa Chapter 5. Ayun tapos na ang presentation time for critique na!.. Patay.. Hindi naman sa sinasabi kong hindi ako magaling mag english kaso, mas maeexplain ko lang sana ang mga ideas ko ng tama kung magtatagalog ako.

Gusto ko talagang magtagalog para makasagot, kaso English. Putik nalilimitahan ang mga ideas ko parang naikukulong sa isang kahon. Hindi malaya. Humahagilap ng mga Ingles na salita para me mapangtapat sa mga   
English Questions nila.Ayun nalintikan na nagkandabuholbuhol na ang dila ko, boses palaka na ako, tapos parang nagkaka slurred speech pa ako. Patay nakataas na kilay ng mga Panelist. Badtrip!. Barado na ako. Sinubukan ko ulit Iningles ko na. Okay naman pala, kaso, iba pa ri ang confidence at ang delivery at ang continuity of thoughts pag Tagalog ginamit eh. Prang pag nagtatagalog ka automatic nang lumalabas ang sagot sa bibig mo.

Ang Ending ayun. Hindi pa alam ang verdict badtrip. Pero ayos lang mababait naman mga panelist eh as in!! Love them

Nanlulumo ako.Imaginin mo nakakaintindi naman ng tagalog kausap mo, tapos makikipagsapalaran ka sa Buhay at kamatayan para lang magkaintindihan kayo sa ingles? Para kasi sakin, kung ang kausap mo marunong naman mag Tagalog then why not converse in Tagalog, kesa naman mag English kayo per mukha lang kayong nag gagaguhan kasi hindi kayo magkaintindihan. Puro Uhmmm, Ahmmm, Anddd, Sooo..
Get's? Nakakainis nga lang kasi nalilimitahan ang thoughts mo. 

Wala akong galit sa english, Actually magaling naman akong magenglish kaso pag isa o dalawa o tatlo lang kausap ko.Pagmaramihan tsaka pag pilit! yun nauutal na ako. Ayos ngang gamitin ang English sa curriculum tsaka ayus na dapat lahat tayo fluent at marunong magenglish, kaso pagdating sana sa mga ganiyang Defense at mga Q & A, kung nagkakaintindihan naman kayo sa Tagalog ok na sana. Kasi hindi naman sa galing mo magenglish ma dedetermine kung me kwenta thesis mo, kundi sa kung paano mo ito ginawa o pano mo ito naisulat. 

P.S :   At pls lang. utang na loob! Para sa mga sosyalista na kinakausap ko ng Tagalog pero sumasagot ng English!! Epal ka to the 99999999999th degre. kung makikipagusap ka lang ng ganiyan, mag transfer ka na lang sa eskwelahang pang konyo at magkonyohan kayo dun BUSIT!!...

No comments:

Post a Comment