Pages

Friday, September 2, 2011

Pn$2u &$* yan!! kung gusto niyo mamatay solohin niyo!!




Naalala niyo pa ba yung mga commercials ng sigarilyo, pusta ko kung magka edad tayo eh
maalala mo pa yung mga yun. Yung race car, Yung Sexy na babae na nakabikini (na ewan ko kung sinong marketing
consultant ang may pakana at kung paano naging related ito sa mga produktong nasabi) at ang mga catchy na kanta tungkol dito. Ah eh kung di ka makarelate eto na lang mas recent.

Section 5 of the Tobacco Regulation Act of 2003 (Republic Act 9211) . Sigurado ako unang basa mo palang sa Tobacco ay alam mo na kung anong ikinapuputok ng butsi ko ngayon. Pero kung hindi mo pa rin alam, well wala tayong magagawa likas na tanga ang tao eh.. ang batas na ito ay nagbabawal sa mga anak ng tinapa na mag dala ng nasindihang sigarilyo sa mga pampublikong lugar katulad na lamang ng mga pampublikong sasakyan, eskwelahan, health centers, elevator(malamang gago lang gagawa nito), sinehan (tignan natin kung di ka masungalngal katabi mo haban nanonood kayo ng ZOBADINGS sa sinehan).

Sigarilyo?, Cigarette?, Cigar? Ano nga ba ito? Saan ito nagsimula? at bakit umabot sa ating butihing bayan ang malaking kalokohan na ito?

Sabi sa http://nta.da.gov.ph/moretobacco.html ang tobacco daw ay ipinakilala sa atin ng mga Portuguese at ng mga mananakop na espanyol. At ang mga sinumpang prayle daw ang bumili ng mga kilo kilong tobacco seeds para itanim at gawing pagkakakitaan sa Pilipinas. Putik bakit di ko pa naisip, kakambal ng Kastila ang salitang" *&^%". Grabe talaga sinakop na tayong lahat babalahurain pa ang kapaligiran natin at ang malala -pa dun ang kalusugan pa natin. Pero nadiskubre palang pwede itong gawing halamang gamot. Pero indi pa rin ako magsosorry sa mga Kastilang yan *&$#^#@ nila, ano ako ulol?

Balik tayo sa unang usapan, Last July 1 ipinatupad ng MMDA ang paghuli sa mga naninigarilyo sa mga pampublikong lugar, bilang respeto raw sa mga taong ayaw makalanghap ng usok. Hay Salamat dumating na ang pinapangarap ng maraming tao CLEAN AIR (Ayun buti naman me mabuting nagawa ang mga loko kesa sa pangongotong, bat ka'ya di nila kotongan ang mga naninigarilyo noh?) Pero anak naman ng pating, tinapa, tipaklong, kabayo, burnik at kung ano ano pang anak jan, eh biglang binawi ito ng pansamantala ng 20 araw.( Dahil irereview daw kuno!)

Eh kung hindi ba naman mga pinagsamasamang hungkag na Siokoy yang mga yan eh kung para sa Kalusugan hindi na kelangan ng batas batas na ganiyan, understood na yun. Kumbaga it's a no brainer. Bilang isang future na alagad ng Kalusugan, dapat eh ipromote ko ang mga adhikain na Bawal ang Paninigarilyo and the likes..

Pero let's understand them baka naman talaga me mabuting rason sila, aka nga everything has it's own reason:
1. Takot sila sa mga Higanteng Kapitalista na me hawak ng industriya ng Tobacco, na walang alam gawin eh maglagi sa aircon nilang kwarto habang ang Pilipinas ay nalulunod na sa Usok at halos lahat na ng tao eh me COPD.
2.Kumikita rin naman siguro sila, Nakakahiya naman sa kanila, tinatanggalan natin sila ng kabuhayan. Kabuhayan yan eh Pera!. Pag Pera ang pinaguusapan sa Pilipinas, Talo-Talo na yan. Matira Mayaman.
3. Eh baka naman mga Adictus din sila sa Sigarilo, na sa isang araw imbis na ipambili ng ulam at bigas eh pinabibili ng kaha kahang Yosi!
4. Eh baka naman Economist sila na nagaalala sa economiya ng Pilipinas. Baka daw pag tinanggal natin yang sigarilyo eh babagsak ang ekonomiya natin, kasi malaki ang naiaambag ata nila.. tsk tsk tsk( i feel you guys, ambabait niyo talaga!! :P)
5. Sila ang mga "the cold ones" "immortal", "drinks blood" na tinutukoy ng "Twilight"kahit anong usok ang pumapalibor sa Pinas eh hindi sila tinatablan.

Me karapatan tayo sa Malinis na Hangin. Me karapatan tayong maging malusog. Kaya pag me nakasalubong ka o naka tabing nagyoyosi eto lang sabihin mo: Pn$2u &$* yan!! kung gusto niyo mamatay solohin niyo!! Ayos?

No comments:

Post a Comment