Pages

Wednesday, September 21, 2011

Mag Tagalog kasi!!!

Ano ba ang pambanang wika natin? Diba Fiipino? Pangalawa lang ang English?

1939 nang hirangin ni Manuel L.  Quezon ang Tagalog bilang wikang pambansa, pagkatapos nun the rest is history, Filipino/Tagalog na ang Wikang Pambansa ng mga Pilipino.

Bakit ko ito sinasabi? siguro baka naiinis na naman ako. Kakatapos kasi ng defense namin kanina, dapat daw English tsaka me grade mismo ang pagiging fluent dito. Ayun na nga Nagsimula sa Introduction........Review of related Literatures..........Research Methodology..... Fastforward sa Chapter 5. Ayun tapos na ang presentation time for critique na!.. Patay.. Hindi naman sa sinasabi kong hindi ako magaling mag english kaso, mas maeexplain ko lang sana ang mga ideas ko ng tama kung magtatagalog ako.

Gusto ko talagang magtagalog para makasagot, kaso English. Putik nalilimitahan ang mga ideas ko parang naikukulong sa isang kahon. Hindi malaya. Humahagilap ng mga Ingles na salita para me mapangtapat sa mga   
English Questions nila.Ayun nalintikan na nagkandabuholbuhol na ang dila ko, boses palaka na ako, tapos parang nagkaka slurred speech pa ako. Patay nakataas na kilay ng mga Panelist. Badtrip!. Barado na ako. Sinubukan ko ulit Iningles ko na. Okay naman pala, kaso, iba pa ri ang confidence at ang delivery at ang continuity of thoughts pag Tagalog ginamit eh. Prang pag nagtatagalog ka automatic nang lumalabas ang sagot sa bibig mo.

Ang Ending ayun. Hindi pa alam ang verdict badtrip. Pero ayos lang mababait naman mga panelist eh as in!! Love them

Nanlulumo ako.Imaginin mo nakakaintindi naman ng tagalog kausap mo, tapos makikipagsapalaran ka sa Buhay at kamatayan para lang magkaintindihan kayo sa ingles? Para kasi sakin, kung ang kausap mo marunong naman mag Tagalog then why not converse in Tagalog, kesa naman mag English kayo per mukha lang kayong nag gagaguhan kasi hindi kayo magkaintindihan. Puro Uhmmm, Ahmmm, Anddd, Sooo..
Get's? Nakakainis nga lang kasi nalilimitahan ang thoughts mo. 

Wala akong galit sa english, Actually magaling naman akong magenglish kaso pag isa o dalawa o tatlo lang kausap ko.Pagmaramihan tsaka pag pilit! yun nauutal na ako. Ayos ngang gamitin ang English sa curriculum tsaka ayus na dapat lahat tayo fluent at marunong magenglish, kaso pagdating sana sa mga ganiyang Defense at mga Q & A, kung nagkakaintindihan naman kayo sa Tagalog ok na sana. Kasi hindi naman sa galing mo magenglish ma dedetermine kung me kwenta thesis mo, kundi sa kung paano mo ito ginawa o pano mo ito naisulat. 

P.S :   At pls lang. utang na loob! Para sa mga sosyalista na kinakausap ko ng Tagalog pero sumasagot ng English!! Epal ka to the 99999999999th degre. kung makikipagusap ka lang ng ganiyan, mag transfer ka na lang sa eskwelahang pang konyo at magkonyohan kayo dun BUSIT!!...

Wednesday, September 14, 2011


Proud Ka na ba sa pag ka PINOY mo??
Kung mas iniidolo mo ang K-Pop o ang Holliwood at mas tinatangkilik mo ang mga branded na gawang dayuhan kesa sa "tatak atin" at ang tingin mo pa sa mga produkto natin ay low class at walang panama sa mga gawang dayuhan, at super inosente ka pagdating sa OPM at Indie films at ang alam mo lang eh mga Holliwood at Korean Films, congratulations isa kang modern na malansang isda (fresh from Pasig River) at kung isa ka pa sa mga walastik na socialite "kuno" na kaya namang mag tagalog ng straight pero pa-islang islang o kaya kinakausap ng tagalog pero sumasagot naman ng english. Eto lang naman ang pwede namin sabihin sayo, from the deepest part of our pagkatao.


Oo!! It's true we mean it!! Dapat pa nga in your face eh!!! Kung di ka proud sa pagiging Pinoy mo kilalanin mo muna ang mga natatanging pinoy na ito bago ka mag epal epal jan.




Benigno "Ninoy Aquino" ang Hero ng Pilipinas




Corazon "Cory"Aquino ang simbolo ng kapayapaan at girl power sa Pilipinas


L3eah Salonga ang Miss Saigon


Arnel Pineda ang Lead Vocalist ng Journey


Charice ang "International Singing Sensation"


Manny "Pacman" Pacquiao ang 8 time champion at Pound 4 Pound King sa Boxing


Bruno Mars isa sa mga sikat na singer sa Amerika ngayon


Maria Aragon ang pinaka bagong youtube sensation ngayon



Venus Raj ang 4th runner up sa Miss Universe Pageant


Shamcey Supsup ang 3rd Runner up sa Miss Universe pageant

At marami pang iba.....

Kung hindi mo kilala yang mga yan, eh ewan ko nalang sayo, itubog mo nalang ang mukha mo sa isang galong cuticle remover at magbilang ng 300 minutes baka sakaling maging proud pa kami sayo. Serious kung hindi ka pa anging proud sa pagka pinoy mo, sa mga nakita mo. magisip isip ka. Pilipino ka. Nakatira ka sa Pilipinas. Nagtatagalog ka. Kung hindi ka magiging proud sa sarili mong bansa eh sino pang gagawa nun? mga dayuhan? mga alien? Kung yung mga artista nga na me napatunayan na sa ibang bansa eh, proud na proud sa lahi nila, kahit hindi man sila purong Pilipino eh ikaw pa kayang damuho na wala pang napapatunayan?

Kung sa mga sinabi ko eh hindi ka pa kumbinsido at talagan pessimistic ka! siguro ikaw yung tipong laging babad sa TV Patrol at Soco na ang madalas makita eh negative tungkol sa Pilipinas. Yun naman ang kadalasang silbi ng News program ang magbalita ng masamang nangyayari, kaya nga hindi ako nanonood ng news eh, imaginin mo nalang umagang umaga ang tatambad sayo eh puro mga pampakulo ng dugo, pampaasim ng bayag at pampa almoranas.

Kaya next time na makakita ka ng pinoy dito man o sa ibang bansa. Be proud!. We are a super race. We are omnipresent. Naturally talented. At kapag tinanong ka ng dayuhan, kung anong lahi ka galing, Sagutin mo ng taas noo at kilay: "I'm a Pinoy, and i'm proud of it!!"

Friday, September 9, 2011



Poverty + Intelligence = Instant Pera

http://www.abs-cbnnews.com/video/nation/metro-manila/09/09/11/%E2%80%98bukas-taxi%E2%80%99-boys-strike-again


Kumakain ako ng Pancit Canton kagabi dahil wala akong makain nang narinig ko ang balitang ito. Nung una sabi ko whoosh tagal na yan, luma na yan. Pero dahil laging UNLI ang media, pinaulit ulit eto, ang pinagkaibahan nga lang eh yung nagrereport.

Sabi sa balita bumalik daw ang modus ng mga bukas taxi gang, na ang pakay eh (alangan) gumawa ng hindi kanais nais. Habang pinapanuod ko ang video, namangha ako putik parang mga spiderman ang mga LOKO. Yung Tipong di mo alam kung ano dumali sayo sa sobrang bilis. Parang mga trained FreeRunners. At eto pa sabi sa video mga bata ang sangkot.

Aminin na natin, madalas ang mga taong hindi nakapagaral at tambay lang, ang mga taong may sense at maraming alam sa buhay. Magtanong ka sa isang tambay ng question about life, economics, principles, philosophy. Baka matameme ka sa sagot ng mga yan.

Naawa naman ako sa mga taxi drivers at a mga pasahero, putik imaginin mo nlang buong araw ka nagtrabaho tas yung perang kikitain mo pang rurugby lang ng mga yun? Ok! sabihin na nating hindi nila pang rurugby yun at pambibili ng ulam, ikaw ba pag pinaghirapan mong lutuin ang isang putahe tas ginawang Appetizer lang ni Muning eh di ka Maghuhurumentado?

Ang point ko dahil sa kahirapan patalino ng patalino na ang mga Criminal ngayon, na imbis na mga typical na Maskuladong Hoodlum na me balbas ang pinapagawa ng mga ganito, eh mga bata. Kasi nagaral ng POLSCI ang mga ungas at nalaman nila na hindi pwedeng ikulong ang mga bata, kundi deretso lang sila sa DSWD na halos siguro 40% eh mga batang nahuli. Kung makikita lang tayo ni Rizal ngayon, magmumura yun sa salitang Filipino, Espanyol, Niponggo, Aleman at kung anu anu pang lengwaheng alam niya at sasa bihin niya; "&#!%! anong nangyari sa sinabi ko dati na ang kabataan ang pagasa ng bayan? Tama naman si parekoy eh, sila ang pagasa ng bayan, pero ginago lang sila ng kasalukuyan kung bakit sila nagkakaganiyan. Ngunit di naman natin masisisi ang mga yan, mahirap ang buhay eh, kaso ganun talaga walang magagawa kapit sa patalim.

Kung hindi natin rereviewhin ang batas natin, baka dumating na ang araw na tayo na ang nagaadapt sa kasamaan. Dapat siguro pairalin ulit natin ang Kamay na Bakal ng mga Authoridad. Kanina nga me nakita pa kong Enforcer na binaril ng isang ewan ko kung ano, mukang Konyo itsura eh.

Diba nawawala na rin ng respeto ang mga Bardagol na yan, kaya krimen dito, krimen diyan! Pasensiya na nagiinit tuloy dugo ko. Kasi hanggang hindi natin napapakita kung sino ang tunay na boss o kung sino tunay na me kapangyarihan eh lalo lang tayong gagaguhin ng mga yan. At the end of the day sinong talo? Ang mamamayan, pulis, militar, gobyerno-Damay Damay na yan!!



Friday, September 2, 2011

Pn$2u &$* yan!! kung gusto niyo mamatay solohin niyo!!




Naalala niyo pa ba yung mga commercials ng sigarilyo, pusta ko kung magka edad tayo eh
maalala mo pa yung mga yun. Yung race car, Yung Sexy na babae na nakabikini (na ewan ko kung sinong marketing
consultant ang may pakana at kung paano naging related ito sa mga produktong nasabi) at ang mga catchy na kanta tungkol dito. Ah eh kung di ka makarelate eto na lang mas recent.

Section 5 of the Tobacco Regulation Act of 2003 (Republic Act 9211) . Sigurado ako unang basa mo palang sa Tobacco ay alam mo na kung anong ikinapuputok ng butsi ko ngayon. Pero kung hindi mo pa rin alam, well wala tayong magagawa likas na tanga ang tao eh.. ang batas na ito ay nagbabawal sa mga anak ng tinapa na mag dala ng nasindihang sigarilyo sa mga pampublikong lugar katulad na lamang ng mga pampublikong sasakyan, eskwelahan, health centers, elevator(malamang gago lang gagawa nito), sinehan (tignan natin kung di ka masungalngal katabi mo haban nanonood kayo ng ZOBADINGS sa sinehan).

Sigarilyo?, Cigarette?, Cigar? Ano nga ba ito? Saan ito nagsimula? at bakit umabot sa ating butihing bayan ang malaking kalokohan na ito?

Sabi sa http://nta.da.gov.ph/moretobacco.html ang tobacco daw ay ipinakilala sa atin ng mga Portuguese at ng mga mananakop na espanyol. At ang mga sinumpang prayle daw ang bumili ng mga kilo kilong tobacco seeds para itanim at gawing pagkakakitaan sa Pilipinas. Putik bakit di ko pa naisip, kakambal ng Kastila ang salitang" *&^%". Grabe talaga sinakop na tayong lahat babalahurain pa ang kapaligiran natin at ang malala -pa dun ang kalusugan pa natin. Pero nadiskubre palang pwede itong gawing halamang gamot. Pero indi pa rin ako magsosorry sa mga Kastilang yan *&$#^#@ nila, ano ako ulol?

Balik tayo sa unang usapan, Last July 1 ipinatupad ng MMDA ang paghuli sa mga naninigarilyo sa mga pampublikong lugar, bilang respeto raw sa mga taong ayaw makalanghap ng usok. Hay Salamat dumating na ang pinapangarap ng maraming tao CLEAN AIR (Ayun buti naman me mabuting nagawa ang mga loko kesa sa pangongotong, bat ka'ya di nila kotongan ang mga naninigarilyo noh?) Pero anak naman ng pating, tinapa, tipaklong, kabayo, burnik at kung ano ano pang anak jan, eh biglang binawi ito ng pansamantala ng 20 araw.( Dahil irereview daw kuno!)

Eh kung hindi ba naman mga pinagsamasamang hungkag na Siokoy yang mga yan eh kung para sa Kalusugan hindi na kelangan ng batas batas na ganiyan, understood na yun. Kumbaga it's a no brainer. Bilang isang future na alagad ng Kalusugan, dapat eh ipromote ko ang mga adhikain na Bawal ang Paninigarilyo and the likes..

Pero let's understand them baka naman talaga me mabuting rason sila, aka nga everything has it's own reason:
1. Takot sila sa mga Higanteng Kapitalista na me hawak ng industriya ng Tobacco, na walang alam gawin eh maglagi sa aircon nilang kwarto habang ang Pilipinas ay nalulunod na sa Usok at halos lahat na ng tao eh me COPD.
2.Kumikita rin naman siguro sila, Nakakahiya naman sa kanila, tinatanggalan natin sila ng kabuhayan. Kabuhayan yan eh Pera!. Pag Pera ang pinaguusapan sa Pilipinas, Talo-Talo na yan. Matira Mayaman.
3. Eh baka naman mga Adictus din sila sa Sigarilo, na sa isang araw imbis na ipambili ng ulam at bigas eh pinabibili ng kaha kahang Yosi!
4. Eh baka naman Economist sila na nagaalala sa economiya ng Pilipinas. Baka daw pag tinanggal natin yang sigarilyo eh babagsak ang ekonomiya natin, kasi malaki ang naiaambag ata nila.. tsk tsk tsk( i feel you guys, ambabait niyo talaga!! :P)
5. Sila ang mga "the cold ones" "immortal", "drinks blood" na tinutukoy ng "Twilight"kahit anong usok ang pumapalibor sa Pinas eh hindi sila tinatablan.

Me karapatan tayo sa Malinis na Hangin. Me karapatan tayong maging malusog. Kaya pag me nakasalubong ka o naka tabing nagyoyosi eto lang sabihin mo: Pn$2u &$* yan!! kung gusto niyo mamatay solohin niyo!! Ayos?